Pinoproseso ng Meta Platforms Inc. (“
Meta”, “
kami”, “
amin” o “
kami”) ang iyong pangalan, mobile phone number at/or ang iyong email address kung matanggap namin ito mula sa aming mga user sa pamamagitan ng feature na
pag-upload ng contact o
pag-sync ng contact na available sa Facebook, Messenger, o Instagram (“
Pag-upload ng Contact”). Pinoproseso namin ang impormasyong ito kahit hindi ka user ng Facebook, Messenger, o Instagram at/o walang account sa amin (isang “
Hindi User”).
Tungkol sa Pag-upload ng Contact at paano ito gumagana
Kapag gumagamit ang user ng Pag-upload ng Contact at binibigyan kami ng access sa address book ng kanyang device. Ia-access at ia-upload namin ang mga pangalan, phone number at email address sa kanilang address book araw-araw sa aming mga server, kasama ang mga parehong user ng Facebook, Messenger at/o Instagram at iba pang mga contact na mga hindi user o walang account (halimbawa, Mga Hindi User).
Anong impormasyon ang kinokolekta tungkol sa Mga Hindi User?
Kinokolekta namin ang pangalan, mobile phone number at/o email address ng mga contact ng user.
Paano namin ginagamit ang impormasyon ng Hindi User?
Ang Pag-upload ng Contact ay opsyonal na feature kung saan pwedeng piliin ng mga user na i-upload ang address book ng kanilang device sa Facebook, Messenger at/o Instagram. Pinoproseso namin ang mga pangalan, numero ng telepono at/o mga email address sa address book para malaman kung pagmamay-ari ng mga user ang alinman sa numero o email address. Kung nasa Facebook, Messenger at/o Instagram ang contact ng user, masa-suggest namin ang contact na ito sa Facebook bilang isang taong maari mong padalhan ng friend request sa
Mga Taong Maaaring Kilala Mo ng Facebook user o bilang sina-suggest na account para i-follow sa Instagram. Pwede ring imbitahan ng mga user ang Hindi Mga User na sumali sa Facebook, Messenger at/o Instagram sa pamamagitan ng text o email.
Pinapayagan din kami ng Pag-upload ng Contact na mag-suggest ng Hindi User na sumali bilang user ng Facebook bilang kaibigan para idagdag sa user sa pamamagitan ng
Mga Taong Maaaring Kilala Mo o bilang sina-suggest na account para i-follow sa Instagram.
Panghuli, gagamitin din namin ang in-upload na mga address book para imbestigahan ang kahina-hinalang aktibidad sa
Mga Produkto ng Meta at panatilihing ligtas at secure ang aming platform. Nagsasagawa rin kaming na business intelligence at analytics gamit ang in-upload na mga address book para bilangin ang mga tao nang tama at mga user ng
Mga Produkto ng Kumpanya ng Meta.
Nagbabahagi kami ng impormasyong kinokolekta namin, infrastructure, mga system at techonology sa ibang
Mga Kumpanya ng Meta. Nagbabahagi kami ng data ng Hindi User sa iba pang Mga Kumpanya ng Meta para maibigay ang feature na Contact Importer at para sa naka-set na mga layunin sa itaas.
Pinapanatili namin ang personal na impormasyon ng Hindi User basta’t kinailangan para ibigay ang feature na Contact Importer sa mga user at para sa mga inilarawang layunin sa itaas. Sa ilang kaso, kailangan naming panatilihin nang mas matagal ang iyong contact information, kabilang ang pagkatapos mong hilingin sa amin na burahin ito. Kasama rito ang para sa mga legal na dahilan tulad ng para tumugon sa legal request o sumunod sa naaangkop na batas, para sa mga bagay na may kaugnayan sa regulasyon o litigasyon, para mapigilan ang pinsala o para sa kaligtasan, seguridad at integridad na mga layunin. Ang haba ng panahon na kailangan naming panatilihin ito ay nakadepende sa partikular na dahilan.
Paano magagamit ng Mga Hindi User ang kanilang mga karapatan
Binibigyan namin ang Mga Hindi user ng kakayahang gamitin ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng mga naaangkop na batas. Para gamitin ang iyong mga karapatan, kontakin kami gamit ang impormasyon para makontak sa ibaba.
Umaasa kaming matutugunan namin ang anumang tanong na posibleng mayroon ang Hindi User tungkol sa paraan kung paano namin pinoproseso ang kanyang personal na impormasyon. Sa ilang bansa maaari mong ring kontakin ang Data Protection Officer para sa Meta Platforms, Inc., at depende sa iyong jurisdiction, maaari mong ring kontakin nang direkta ang iyong lokal na Data Protection Authority (“DPA”).
Mag-click dito kung mayroon kang tanong tungkol sa mga karapatang posibleng mayroon ka.
Paano namin inililipat ang impormasyon
Ibinabahagi namin ang impormasyong kinokolekta namin sa buong mundo, sa loob ng lahat ng aming office at data center, at kung sa labas nito, sa aming mga partner, service provider, at vendor. Dahil pandaigdigan ang Meta, na may mga user, partner, at empleyado sa buong mundo, ang mga paglipat ay kinakailangan para sa iba’t ibang dahilan, kasama ang para makapag-operate kami at ibigay ang mga serbisyon na inilarawan sa Data Notice na ito.
Ang iyong impormasyon ay ililipat o ihahatid sa, o ii-store at ipoproseso sa:
- Mga lugar na mayroon kaming infrastructure o mga data center, kasama ang United States, Ireland, Denmark, at Sweden, at iba pa
- Mga bansa kung saan available ang Mga Produkto ng Meta
- Iba pang mga bansa kung saan matatagpuan ang aming mga partner, service provider at vendor sa labas ng bansa kung saan ka nakatira, sa mga layunin na inilarawan sa Data Notice na ito.
Umaasa kami sa mga naaangkop na mekanismo para sa mga international na paglilipat ng data. Halimbawa, para sa mga impormasyong kinokolekta namin:
- Gumagamit kami ng mga karaniwang contractual clause na inaprubahan ng European Commission at ng iba pang may kaugnayang awtoridad.
- Umaasa kami sa mga pagpapasya mula sa European Commission, at mula sa iba pang may kaugnayang awtoridad, tungkol sa kung ang ibang mga bansa ay mayroong sapat na mga antas ng proteksyon sa data.
- Gumagamit kami ng mga katumbas na mekanismo sa ilalim ng mga naaangkop na batas na naaangkop sa mga pag-transfer ng data sa United States at sa iba pang mga may kaugnayang bansa.
Kontakin kami
Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa Notice na ito, o may mga tanong, reklamo, o request tungkol sa iyong impormasyon,
pakigamit ang form na ito.