Thanks to visit codestin.com
Credit goes to www.scribd.com

0% found this document useful (0 votes)
10 views13 pages

D-Chapter 2

to inspire
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
10 views13 pages

D-Chapter 2

to inspire
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 13

CHAPTER 2

Andito ako ngayon sa aking kwarto na busy sa paggawa ng mga projects and assignment pero nalulutang
ako dahil unti- unti nanamang bumabalik sa akin lahat ng hirap na aming naranasan sa dati naming
tahanan.

Mga hirap na gustong-gusto ko nang kalimutan at hindi na balikan. Mga alaalang mas nanaisin ko na lang
na maging isang panaginip na napakadaling ibaon sa limot.

Patuloy na naglalakbay ang aking isipan ng bigla akong tawagin ng aking ina.

"Adriette....anak" ani ng aking mama sa isang malungkot at tila nababahalang tinig.

Napatigil ako sa ginagawang pagmumuni-muni at humarap na sa kaniya. "Bakit po, ma?" sagot ko at siya
ay nilapitan.

Hindi halos makatingin sa akin si mama. Nakatingin lang siya sa kaniyang mga daliri at pilit pinagkukutkot
ang mga ito. Mahahalata rin sa kilos niya ang pagkabalisa at parang nawawalan na ng pag-asa. Isang
itsura na ayaw na ayaw kong makita sa kaniya dahil pati ako ay nagiging emosyonal ng sobra at parang
nanghihina.

Adrie….. ‘wag……pigilan mong umiyak. Parang awa mo na. Kailangan mong maging malakas. Kailangan
ka ng mama mo. Huwag mong ipakita sa kaniya na mahina ka. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili
para lamang hindi umiyak. Ayoko nito.

Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at pilit siyang pinaharap sa akin. Lagi ko itong ginagawa para
ipakita sa kaniya na nandito lang ako at pwede niyang sabihin sa akin ang kahit anong problema na
kaniyang iniisip. Na ipadama sa kaniya na hindi siya mag-isa dahil nandito pa ako para pagkuhanan niya
ng lakas na kailangan niya.
Tumingin si mama sa akin ng sobrang lungkot. "Sinisingil na naman tayo sa bayad ng bahay,
anak.....Hindi ko na alam ang gagawin ko andami nating problema." aniya at naluluha na talaga.

Nababahala nanaman ako. “Anong gagawin natin, ma? “ tanong ko kay mama.

“Hindi ko na alam kung saan pa ba kukuha, nak.”

Napabuntong hininga na lamang ako. Heto nanaman kami. “Baka paalisin nanaman tayo ma kung hindi
pa tayo makabayad. Alam mo naman na ang ugali ni Manang Sela. Ayaw na ayaw niyang delay sa bayad.
Mahirap pa naman nang maghanap ng bagong bahay na malilipatan ngayon. Paano na tayo, ma?”
malungkot na tugon ko rin kay mama.

Bigla na niyang pinunasan ang isang butil ng luha na tumulo sa mga mata niya. “Hahanap na lang ako ng
mauutangan ulit baka sakaling may magpahiram pa sa atin.” Sagot ni mama sa akin.

Mahihirapan si mama sa paghahanap ng mauutangan dahil halos hindi pa rin kami nakabayad sa kanila.
Puro na lang kami utang dahil wala namang permanenteng trabaho si mama. Tumatanggap lang siya
minsan ng labada. Minsan naman ay gumagawa ng mga kakanin kapag may order. Minsan rin ay
sumaside line. Nabibili naman niya ang aming pangangailangan pero minsan ay hindi ito sapat at
talagang kulang talaga.

“Baka wala nang magpahiram sa atin, ma.”tugon ko sa kaniya.


“Hahanap ako, nak. Kahit malaki na ang ipatong nilang interest. Basta makabayad lang tayo sa upa ng
bahay.” Saad ni mama sakin na naninigurado. “Sige na, ipagpatuloy mo na ang paggawa sa mga projects
mo. Huwag mo na ring sabihin ito kay Ate Shamara mo para hindi na siya mag-alala pa.” Dagdag pa niya.

“Sige po, ma.”

Alam kong halos wala na ang magpahiram sa amin dahil baon na baon na kami sa utang. Nasisiguro kong
hirap na hirap na rin si mama.

Kung bakit ba naman kasi ang malas ng buhay namin.

Tanging sige na lamang ang aking naisagot sa aking ina dahil kahit anong gawin ko ay wala akong
maitutulong sa ngayon dahil isa pa lamang akong estudyante na nag-aaral. Pilitin ko mang tumulong ay
masasabi kong wala pa rin akong kwenta.

Bakit ba lagi na lang ganito? Puro na lang tungkol sa pera ang aming problema.

Mabuti pa ang iba ay halos humiga na at sambahin ang perang meron sa kanila. Samantalang kami ay
halos hindi na magkandarapa sa paghahanap nito.
Ang aking ate rin na si Shamara Agnello ay nasa kaniyang ikatlong taon pa lamang sa kaniyang kolehiyo
na kumukuha ng kursong Bachelor of Secondary Education. Dahil na rin sa galing niya ay may scholarship
siyang natanggap. Napakalaking tulong na rin ito para matustusan ang kaniyang pag-aaral.

Ako nga pala si Adriette Agnello, isang Senior High School pa lamang na kumuha ng strand na ABM.
Simula sa aking unang taon sa pag-aaral ay isa na akong honor student. Isa ring nakatutulong sa akin ay
ang pagiging municipal scholar.

Isang estudyante na laging maraming awards na natatanggap at laging nangunguna sa klase.

Kaya't sa tuwing lilipas ang taon lagi kong ginagawa lahat ng aking makakaya dahil nakakatakot
madisappoint ang aking ina. Sobra ang pressure na aking nararamdaman tuwing laging bigayan ng cards.

Sapat ba ang aking ginagawa? Sapat ba ang aking mga puyat, pawis at pagod para sa bawat marka na
aking makuha?

'Yan ang mga katanungan na naglalakbay sa aking isipan sa tuwing hinihintay ang pag-abot ng aming
mga grado.
Some people always say that grades don't define who we are. Oo, naniniwala naman ako dito dahil wala
sa grades ang basehan para igalang at mahalin ang isang tao. Pero, hindi ko mapigilan na
maramdamang, isa akong kahihiyan kung makakuha ng mababang grado.

My mother trained me to be the best. I know she doesn't want a failure in the family.

Iniisip rin siguro ni mama na wala kaming mararating kung hindi namin pinagbutihan ang aming pag-
aaral. And yes, I agree with that.

Dahil sa hirap ng buhay, tanging pagtatapos ng pag-aaral ang alam kong mag-aahon sa amin sa
kahirapan. Wala ng ibang tutulong sa amin umangat kundi tanging mga sarili rin lang namin. Ako. Si ate.
Wala nang iba.

Pero alam ko, na hindi ako kasing galing ng iba. Na may limitasyon din ako pagdating sa mga bagay-
bagay. Na hindi ako kasing galing ng iba. Pero kahit naman ganun ay ibinibigay ko naman ang aking
makakaya.

Ganito ang nagiging ikot ng aking buhay sa paaralan. Laging binubuhos lahat ng makakaya. Nagpupuyat
at hindi gumagala para lamang makakuha ng mataas na grado.

Maraming humahanga sa akin ngunit ang hindi nila alam ay nakakapagod marining na...

"Wow!, Adriette panalo ka nanaman sa Math Quiz Bee!"


"Naks naman!, Adriette, sana ol matalino."

"Naku, Carlyn sana kasing talino rin ng anak ko iyang anak mo na si Adriette"

"Buti ka pa Adriette andami mong medalya"

‘Yan ang mga papuri na aking naririnig lagi ngunit sa paglipas ng taon ay hindi na ako masaya tuwing
naririnig ito at pagod na lamang ang nararamdaman ko at ang nais kong marinig ay

"Anak, ayos lang yan kung hindi ka manalo o bumaba ang grades mo, proud pa rin ako sayo."

‘Yang salitang yan ang nais kong sambitin ng aking ina sa akin at sa tingin kong mapapawi nito lahat ang
aking pagod ngunit ni minsan ay hindi man lang nila ito nasabi sa akin.

Alam kong hindi ito ang tamang oras para pag-aksayahan pa ang pagdradrama sa mga ganoong bagay
dahil hindi na 'yun mahalaga pa.

Itatatak ko na lamang sa aking isipan na kahit hindi man sabihin ni mama kung gaano siya kaproud ay
alam kong humahanga parin ito sa akin.
Nawawala lamang siguro sa kaniyang isipan na sabihin sa akin kung gaano siya kaproud dahil sa patong-
patong naming problema.

Iintindihin ko na lamang ang aking mahal na ina.

"Ma, wala pa po ba si ate Shamara galing sa boarding house niya? Lumalakas na po ang ulan." tanong ko
sa aking ina habang nililigpit na ang aking mga kalat sa paggawa ng proyekto.

Napalingon naman sa akin si mama at sumagot.

"Mamaya pa ang kaniyang dating dahil may gagawin pa daw siya sa kanilang University, bakit?"

" Ah wala po, magpapatulong lang sana ako. Nahihirapan po kasi ako doon sa English na subject namin. "
ani ko.

"Hintayin mo na lang siya pagdating niya." sagot ng aking ina habang gumagawa ng rekado sa kaniyang
niluluto.
Hihintayin ko na lang si ate bago ako magpatulong. Pero kung busy siya siguro ay pipigain ko na lang
kung anong kaya ng utak ko.

Kung kailangan kong halughugin ang bawat parte ng utak ko ay gagawin ko para lang may maisagot.

Kagabi ko pa kasi iniintindi ‘yung lesson namin pero sobrang hirap talaga. Kahit pa magsearch ako ay
hindi ko pa rin ito maintindihan. Sayang din naman kung hindi ko sagutan dahil baka malaking bawas pa
ito sa gradong makukuha ko.

"Sige po, ma." tanging sagot ko na lamang kay mama.

Nagtungo na lamang ako ulit sa aking kwarto. Naupo muna ako at kumuha ng cheesecake para
magmerienda.

Kahit alam kong may angking talino ako ay hindi ko naranasang lubos na sumaya. Isa akong sakiting bata
na may asthma kaya't sa bawat aktibidad sa paaralan ay hindi ako pinapayagan. Hindi ko rin naranasan
ang makipaglaro at makipagtakbuhan sa aking mga kapwa noong ako'y bata pa. Oo ang lonely ko lagi sa
bahay. Walang kalaro at andun lang na nag aaral o natutulog. Hindi rin naman ako nagrereklamo ng
lubos dahil alam ko namang para sa akin din lahat ng ito.

Habang nakatitig sa unti-unting patak ng ulan ay biglang pumasok sa akin ang isang alaala.

“Mama! Maligo po ako sa ulan. Ang saya po ng mga batang naliligo.” Paalam ko kay mama.

“Hindi pwede, Adriee. Baka magkasakit ka alam mo naman nang mabilis umatake ang asthma mo.”
Hindi ko na naitago ang pagkasimangot sa sinabi ni mama. “Sige na poooo. Ngayon lang naman eh.
Naiinggit kasi ako sa mga bata. Parang ang sarap pong tumakbo sa ilalim ng ulan.” Patuloy ko pa ring
pangungulit kay mama.

“Bahala ka. Kung magkasakit ka ay papaluin talaga kita.”

Yehey! Sa unang pagkakataon ay mararanasan ko na ang pagligo sa ulan.

Ano kayang pakiramdam? Masaya kaya?

Dali-dali akong nagbihis at lumabas na ng bahay. Ang saya. Malamig man ang tubig ay masarap pa ring
maligo. Nakisabay ako sa takbuhan ng mga bata. Nang napagod na ay umuwi na ako upang magbihis.

Kinagabihan ay napakasama ng aking pakiramdam. Unang sintomas pa lang ay alam ko na inaatake na


ako ng aking asthma.

“M-mama…..”
Halos hindi na ako makahinga. Nahihirapan akong huminga at alam kong umaatake na ang aking
asthma.

Pakiramdam ko’y mamamatay na ako dahil naninikip ang aking dibdib. Pikit-mata akong nanghihina.

“M-mama…..” ulit ko pa sa isang mahinang tinig.

Dagliang napabangon si mama at lumapit sa akin.

“Anong nararamdaman mo, neng? Saan ang masakit? Sabihin mo kay mama.”

Halos hindi ako makasagot kay mama dahil sa hirap ngunit pinilit ko pa rin. “H-hindi po a-ako
makahinga…..I-inaasthma p-po…ako… ma. S-sorry po.” Umiiyak na sabi ko sa kaniya.

Naiiyak na lamang ako dahil sa sobrang kahinaan at pagsisisi na aking nararamdaman. Nagsisisi ako sa
pagpilit ng pagligo.

Kung hindi ko na lang sana pinilit na maligo sa ulan. Kung nanatili nalang sana ako sa loob ng bahay hindi
na mangyayare pa ito. Kung hindi na lang sana ako naging makulit pa. Kung hindi ko na lang sana pinilit
pa.

“Saglit, nak. Dadalhin ka na namin sa ospital.” alalang-alala na sabi ni mama sabay gising na rin kay Ate
Shamara.
Malaki ang nagastos namin sa ospital. Sising-sisi rin ako sa pagsuway kay mama kaya simulan nun ay
hindi ko na sinubukan pang muling maligo sa ulan.

Ayaw ko na rin pang maulit ang ganoong pangyayare.

Para talaga akong babawian ng buhay ng wala sa oras.

Napakarami kong saloobin na nais ibahagi sa iba para ito'y gumaan ngunit ako ay walang mapagsabihan.
Nais kong sabihin na ako'y napapagod na sa lahat ng problema ngunit ayaw kong ipahalata sa aking ina
dahil mas lalo lamang siyang mahihirapan.

Pagkatapos kong iligpit ang aking gamit ay nakinig na ako ng mga kanta ng BTS. Yes po, isa akong ARMY
hahahah. Dito nalang talaga ako sumasaya sa pakikinig sa kanilang mga kanta at ito rin ang naging
inspirasyon ko para magpatuloy..

Ttatteushan cha han jan-eul masimyeo

Jeo eunhasuleul ollyeodabomyeo

Neon gwaenchanh-eul geoya oh yeogin Magic Shop

So show me (I'll show you)

So show me (I'll show you)

So show me (I'll show you)

Show you show you


Ewan ko ba pero iba ‘yung dala ng kanta nila sa akin. Yung kahulugan ng kanta. Napakasarap rin
pakinggan lalo na kung alam mo ang nais iparating nito.

Todo kanta pa ako sa lyrics ng kanta ng sigawan ako ni mama.

Nabigla ako sa biglang pagsalita ni mama kaya't halos malaglag ko pa ang aking cellphone.

"Adriette! puro ka nanaman BTS diyan samahan mo nalang ako magluto dito. " aniya ng medyo
natatawa.

Kahit may problema. Pilit na pinapasaya ni mama ang aming pamilya. At isa yan sa hinahangaan ko sa
kaniya. Pagkatapos niyang magsabi ng problema ay aakto siya na parang ayos na lahat. Na kaya niya na
‘yun at hindi na kami dapat pang mag-alala. Itatago niya na lang ang hirap at sakit sa sarili niya.

Eto naman si mama hindi makisama. Konting kanta lang naman 'yung ginawa ko eh hahahahha. "Oo na
po, wait lang." ani ko habang natatawa sa sarili.

Papalabas na ako sa aking kwarto ng marinig ko ang sigaw ng aking ate. "Ma, andito nako!" bigla-biglang
sigaw ng aking ate Shamara.

Napalingon naman si mama sa pintuan at nangiti sa biglang pagdating ni ate. "Magbihis ka na at kakain
na tayo." sabi ni mama habang inaayos na sa hapag ang mga pagkain.
“Hi ate!!!!! Patulong ako mamaya sayo kapag ‘di ka busy.” Nagpapacute na sabi ko sa kaniya.

Natatawa siya sa itsura ko. Siguro mukha na akong tanga ngayon. Wala akong pake sa itsura ko huhu
basta mahingi ang tulong kay ate.

“Bayad muna hahahahaha. Kailangan may kapalit.” Sabi niya habang ibinababa ang mga dala niyang
gamit at bag.

Napasimangot naman ako sa sinabi niya. “Ate naman……kiss na lang muna.” Please. Please. Sana
umepekto ang cuteness ko.

“Hayyy, sige na nga. Di ko matiis ‘yang nakasimangot mong mukha eh.” Sagot niya.

“Waaahhh!!! Thank you maganda kong ateeee….” pagpapasalamat ko sa kaniya.

“Nambola ka pa talaga.”

Yes! Sabi ko na eh. Alam ko naman hindi ako matitiis ni ate eh. Sa kacute-tan ko ba namang ito.

Hindi na namin pa binuksan muli ang tungkol sa upa sa bahay dahil alam kong ayaw mag-alala ni mama
si ate. Dahil baka masira ang kaniyang focus sa pag-aaral.

You might also like