Thanks to visit codestin.com
Credit goes to www.scribd.com

0% found this document useful (0 votes)
21 views12 pages

Module

Module for Grade 7 quarter 1

Uploaded by

maliaampuan
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
21 views12 pages

Module

Module for Grade 7 quarter 1

Uploaded by

maliaampuan
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 12

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 2: Ugnayan ng Tao at
Kapaligiran sa Pag-usbong ng
Kabihasnang Asyano
Pambungad sa Araling Panlipunan 7

Unang Markahan – Modyul 2: Ugnayan ng tao at Kapaligiran sa Pag-usbong ng Kabihasnang


Asyano
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Tagalikom/
Tagakontekstuwalisa: Arlyn A. Alfante Dev.Ed. D, MT -I, Abellana National School
Geraldine P. Allosada Dev.Ed. D, MT-I, Bulacao Comm. High School
Bon Anthony G. Tipdas, T-I, Alaska Night High School
Tagasuri Alice S. Ganar, SSPIII, OIC-PSDS, SD-8, Asst. Div. Coor-SHS
Giovanni D. Sarra, MT-II, Ramon Duterte MNHS
Judith S. Cabaocabao, MT-I, Ramon Duterte MNHS
Erlin B. Abella, MT-I, Ramon Duterte MNHS
Maria Lea C. Pono, MT-I, Ramon Duterte MNHS
Tagapamahala: Rhea Mar A. Angtud Ed. D, Schools Divisions Superintendent
Danilo G. Gudelosao Ed. D, Asst. Schools Divisions Superintendent
Grecia F. Bataluna, Curriculum and Implementation Division Chief
Luis O. Derasin Jr., EPSvr. LRMS
Vanessa L. Harayo, EPSvr. LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education Division of Cebu City, Region VII

Office Address: Imus Ave., Barangay Day-as, Cebu City


Telefax: 255-1516, CID:
E-mail Address: [email protected]
7

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 2: UGNAYAN NG TAO AT
KAPALIGIRAN SA PAG-USBONG
NG KABIHASNANG ASYANO
Modyul 2: Ugnayan ng Tao at Kapaligiran sa Pag-
[
usbong ng Kabihasnang Asyano
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran
at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.

Pamantayang Pangkasanayan:
Ang mga mag-aaral ay malalim na nakapag-uugnay-ugnay sa bahaging
ginagampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.

Kakayahan:
Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
kabihasnang Asyano.

Paksa/Subject Code: Katangiang Pisikal ng Asya


MELC’S Code: AP7HAS-la-1

Subukin

Magandang araw! Kumusta ang nakaraang modyul? Tiyak na ikaw ay nasiyahan sa


bago mong natutunan. Sa pagkakataong ito, subukin mong sagutan ang panimulang
pagtataya upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa araling tatalakayin.
Kinakailangang pagtuunan mo ng pansin ang mga tanong na hindi tiyak ang iyong
sagot at alamin ang wastong kasagutan sa mga ito. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

KILALANIN ANG TINUTUKOY. Sa bahaging ito, basahin ng mabuti ang mga tanong
at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang sinaunang tao partikular na ang mga Asyano ay namumuhay batay sa


______________na mayroon sila.
A. Karagatan B. Kagubatan C. Kapaligiran D. Kalakasan

2. Ang polusyon ng tubig at red tide ay kadalasan naging banta sa mga baybaying –
dagat. Ano ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ito?
A. Pagpapatupad sa lahat ng mga batas.
B. Pagsali sa mga environmental advocacies na proyekto ng pamahalaan.
C. Disiplina sa pagsunod ng batas at pagtigil sa pagtapon ng basura sa tubig.
D. Pagtatag ng sariling pangkat upang mapanatili ang pangkapaligirang kalinisan.

3. Ang pamumuhay ng mga Asyano ay hinuhubog ng mga sumusunod MALIBAN sa


______.
A. mga kapaligirang yamang lupa at tubig.
B. vegetation cover na nasa mga lupaing ito
C. uri ng klima na nararanasan ng bansa
D. karanasan ng hanapbuhay ng mga Asyano.

1
4. Ano ang uri ng pamumuhay ng mga taong naninirahan sa lugar na napapalibutan
ng tubig?
A. Pagtatanim B. Pagtotroso C. Pagpapastol D. Pangingisda

5. Ano ang hanapbuhay ng taong naninirahan sa lugar na kadalasan ay kapatagan?


A. Magsasaka B. Mangingisda C. Magtotroso D. Minero

6. Ang sumusunod na kabihasnan ay nabuo o umunlad malapit sa mga katawan ng


tubig. Ito ay ang kabihasnang pang _______.
A. agrikultural B. industriyal C. pinansiyal D. pisikal

7. Alin ang hindi kabilang sa mga panganib na dulot ng labis na pagmimina ng lupa?
A. Pagkasira ng kalikasan B. Pagbaha at pagguho ng lupa
C. Pagkawala ng biodiversity D. Pagdumi ng katubigan bunga ng duming itinatapon.

8. Tumutukoy sa pangunahing tagalinang at may tungkulin na pangalagaan ang


kapaligiran?
A. Barangay B. Komunidad C. Mamamayan D. Tao

9. Isa sa bahagi ng kapaligiran ay kagubatan. Ano ang kadalasan na hanapbuhay ng


mga tao?
A. Pagmimina B. Pagpapastol C. Pagtotroso D. Pagsasaka

10. Saan umusbong ang sinauanang kabihasnan?


A. Baybaying-ilog B. Bundok C. Dagat D. Gubat

11. Tumutukoy sa uri ng pamumuhay ng mga tao na ang katangiang pisikal na


tinitirahan ay mga bundok o bulubundukin.
A. Pagtotroso B. Pangingisda C. Paghahalaman D. Pagtatanim

12. Ang mga sumusunod ay kasama sa paghubog ng buhay ng mga Asyano


MALIBAN sa __.
A. pagbabago ng klima sanhi ng pagbabago ng vegetation cover
B. pagputok ng mga bulkan at pagkaroon ng malalakas na bagyo.
C. mga pagbabagong dulot ng mga pwersang tulad ng tsunami at lindol.
D. mga makabuluhang karanasan at anyo ng pamumuhay na mayroon sila.

13. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga panganib na naranasan ng


kapaligirang damuhan?
A. Pagbaha B. Overgrazing
C. Polusyon ng lupa D. Pagkasunog ng mga damo

14. Alin sa sumusund na pahayag ang pinakawasto tungkol sa ugnayang ng tao at


kapiligiran?
A. Ang pagpapahalaga ng tao sa kalikasan.
B. Ang pag-angkop ng tao sa kanyang kapaligiran.
C. Ang patuloy na umaasa sa mga biyaya upang mabuhay.
D. Ang kasiyahan ng tao sa paraan ng kanyang pamumuhay.

2
15. Anong bahagi ng kapaligiran na may paraan ng pagpapahalaga tulad ng disiplina sa
pagtatapon ng basura, tamang pamamahala ng dumpsite, hindi pagtatapon ng mga electronic
waste sa mga landfills at pagtatayo ng materials recovery facility?
A. Damuhan B. Kagubatan C. Kapatagan D. Talampas

Alamin
Isang makabuluhang araw para sa masipag kong mag-aaral! Ngayon, tatalakayin natin ang tungkol
sa ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano. Inaasahan na nasusuri mo
ang mga ito sa pamamagitan ng mga sumusunod;
A. nailalarawan ang ugnayan ng tao at kapaligiran tungo sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang
Asyano;
B. napahahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano; at
C. nakaguguhit ng mga panganib at paraan ng pagpapahalaga na naranasan o kaya’y
napagtanto na may kaugnayan sa lugar o bahagi ng kapaligiran na tinitirahan.

Balikan

Larawan-suri. Ang gawaing ito ay susubok sa iyong kakayahang mapagmasid. Sa


pamamagitan ng mga larawan, subukan mong tukuyin ang uri ng kapaligiran na
ipinapahiwatig nito. Isulat sa kahon kung ano ang maaring uri ng hanapbuhay mayroon
batay sa pisikal na kapaligiran nito at sagutin ang kasunod na mga tanong sa ibaba.

https://phys.org/news/2017-06-cow-herd-behavior- https://steelguru.com/mining/uniform-5-royalty-on-
fodder-complex.html mining-in-philippines-pushed/536647
1. 2.

3
1https://www.youtube.com/watch?v=WgkXXA8kx48 https://steelguru.com/mining/uniform-5-royalty-on-
mining-in-philippines-pushed/536647

3. 4.

Pamprosesong Tanong

1. Anu-ano ang iyong mahinuha batay sa larawan at sa uri ng pamumuhay ng tao?


2. Anu-ano ang nakaimpluwensya sa uri ng pamumuhay ng tao ng isang bansa?

Tuklasin at Suriin

Nais mo bang malaman ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa pag-usbong ng kabihasnan?


Halina’t tuklasin natin sa aralin na ito. Ano nga ba ang ibig sabihin ng ugnayan? Paano
nagkakaugnay ang tao at kapligiran? Ang ugnayang ito ay tumutukoy sa koneksiyon ng
tao sa kanyang kapaligiran partikular sa pisikal na katangian nito. Tumutukoy ito sa kung
paano umaasa sa kapaligiran, paano nililinang ng tao ang kapaligiran at kung paano
umaangkop ang tao sa kanyang kapaligiran. Ang tao bilang tagalinang ay may malaking
tungkulin upang pangalagaan ang kanyang kapaligiran. Siya ang pinakamatalinong
nilalang at siya rin ang may tungkulin na panatilihing maayos ang lahat ng anyo ng kanyang
paligid. Ang sinaunang tao partikular na ang mga Asyano ay namumuhay batay sa
kapaligiran o kalikasan na mayroon sila. Ang buhay at kabuhayan ng mga bansa sa Asya
ay hinubog at hinuhubog ng mga kapaligirang natural na yamang lupa at tubig, pati na uri
ng klima at vegetation cover na nasa mga lupaing ito. Kasama sa paghubog nito ang mga
pagbabagong dulot ng mga pwersa o panganib tulad ng tsunami, lindol, pagputok ng bulkan,
malalakas na bagyo at pagbabago ng klima. Ang lawak o kakulangan ng mga yamang
pangkapaligirang ito, o anumang pagbabagong dulot ng mga natural na pangyayaring
nabanggit ay nakaimpluwensya sa buhay at kultura ng mga tao. Halimbawa nito ay ang
kabihasnang nabuo o umunlad malapit sa mga katawan ng tubig ay mga kabihasnang
kalimitang pang agrikultural, mataba kasi ang mga lupain sa mga bahaging ito at may
malalapit na mapagkukunang tubig para magamit sa kanilang mga pananim. Kapag ang
kapaligirang taglay ay mga bundok o bulubundukin, ang hanapbuhay ng mga tao ay
kadalasan ay pagsasaka, sa mga baybaying dagat naman sila ay nangingisada at
nangangalakal, sa malawak na damuhan nagpapastol at sa kagubatan naman sila ay
nangangaso upang mamuhay. Ang pag-angkop at paglinang ng tao sa kanyang kapaligiran
o katangiang pisikal ay isang mahalagang salik para sa pag-unlad ng kabihasnan.
Tunghayan ang sumusunod na talaan ng paglalarawan.

4
Bahagi ng Kapaligiran Uri ng Paraan ng
Mga Panganib
Pamumuhay Pagpapahalaga
1. Bundok Pagtatanim/ Pagguho ng lupain, Pagtanim ng mga
pagsasaka/ erosyon ng lupa, punong kahoy, mahigpit
pagmimina Quarrying na pagpapatupad ng
batas
2. Disyerto pagmimina pagkasira ng kalikasan, Responsableng
pagdumi ng katubigan pagmimina. Legal na
bunga ng duming pagsubaybay sa mga
itinatapon. Pagbaha, operasyon kasabay ng
pagguho ng lupa pangangalaga sa
kalikasan.
Pamumultahin ang
sinumang lumabag sa
batas.
3. Kapatagan Pagtatanim/ Pagbaha, Salinization Disiplina sa pagtatapon
pagsasaka at alkalinization, ng basura, Tamang
pagkasira ng lupa. pamamahala ng
dumpsite, iwasan ang
pagtatapon ng mga
electronic waste sa mga
landfills. Pagtatayo ng
materials recovery
facility
4. Damuhan Pagpapastol Overgrazing, Mahigpit na
Pagkasunog ng mga pagpapatupad ng batas.
damo, pagbaha.,
pagkasira ng lupa
5. Kagubatan Pagtotroso Deforestation, Pagpapatupad ng batas
pagkawala ng ukol sa pangangalaga
biodiversity, ng kapaligiran
pagkasunog ng gubat
6. Talampas Pagtatanim, Pagkasira ng lupa, Pagpapatupad ng batas
pagpapastol pagguho ng lupa ukol sa pangangalaga
ng kapaligiran
7. Baybaying-dagat Pangingisda, Red tide, oil spill , Pagpapatupad ng batas.
polusyon ng tubig Disiplina sa pagsunod
ng batas at pagtigil sa
pagtapon ng basura sa
tubig.
8. Baybaying-ilog pangingisda Siltation, pagkasira ng Pagtatanim ng mga
mga ilog dulot ng mga puno. Mahigpit na
banlik mula sa quarry. pagpapatupad ng batas.
polusyon
9. Lambak Pagtatanim, Pagka sira ng lupa, Siguraduhing walang
pagsasaka pagbaha. basura na nkatambak
sa mga daanan at
daluyan ng tubig.
Mahigpit na
Pagpapatupad ng batas

5
Pamprosesong Tanong:

1. Ang kapaligirang pisikal ba ay may epekto sa uri ng pamumuhay sa mga taong


naninirahan dito? Ipaliwanag
2. Paano ang kapaligiran nakatulong sa paghubog at pag-unlad ng kabihasnang
Asyano?
3. Bilang mag-aaral, paano mo magampanan ang pagiging mabuting tagapangalaga ng
inyong kapaligirang pisikal upang maiwasan ang mga sakuna?

Isaisip

Sa pagkakataong ito, inaasahang magagamit mo ang natutunang kasanayan upang tiyak ang
iyong sagot sa nakahandang gawain sa ibaba. Subukan mong sagutan ang mga sumusunod
na tanong.

1. Sa palagay mo, bakit kinakailangan ng tao na umangkop sa kapaligiran o lugar


na kanyang tinitirahan?
2. Magbigay ng dalawang paraan na iyong ginawa, na naglalarawan ng masinop na
pangangalaga ng iyong kapaligiran.

Isagawa o Pagyamanin

Binabati kita! Mahusay mong nasagutan ang pagpapalawig ng kaugnayang konsepto, ngayon
naman, inaasahan na higit mong mapagnilay-nilayan ang mga paraan ng pagpapahalaga sa pisikal
na kapaligiran ng Asya.

Sa kasalukuyan, anong panganib at paraan ng pagpapahalaga na iyong naranasan


o kaya’y napagtanto na may kaugnayan sa iyong lugar o bahagi ng kapaligiran
na tinitirahan? Ipakita ito sa pamamagitan ng pagguhit at ipaliwanag sa dalawang
pangungusap lamang.

6
Tayahin

Sa bahaging ito, nalaman mo na ang mga impormasyon tungkol sa ugnayan ng tao at kapaligiran.
Upang masubok ang iyong kakayahan sa paksang ito, sagutin ang inihandang mga tanong.
1. Ang pagmimina ng lupa ay nagdudulot ng mga banta sa kalikasan. Alin dito ang hindi
kabilang?
A. Pagkasira ng kalikasan B. Pagbaha at pagguho ng lupa
C. Pagkawala ng biodiversity D. Polusyon sa tubig bunga ng duming itinatapon.

2. Bakit ang red tide ay kadalasang banta sa mga yamang dagat?


A. Ito ay dahilan ng pagkamatay ng yamang dagat.
B. Naging problema ang red tide sa mga environmentalist.
C. nakalason sa tao kapag kinain ang isda na apektado ng red tide.
D. Nagdulot ito ng pagkabuo ng mga samahang environmental advocates

3. Ang kabihasnan at kultura ng mga Asyano ay hinuhubog ng mga sumusunod


MALIBAN sa ______.
A. mga kapaligirang yamang lupa at tubig. C. uri ng klima na nararanasan ng bansa
B. vegetation cover na nasa mga lupaing ito D. kwento ng buhay ng mga Asyano.

4. Sa kapatagan nagagawa ang iba’t-ibang paraan ng pagpapahalaga sa kapaligiran. Alin


sa sumusunod na pangungusap ang hindi kabilang dito?
A. disiplina sa pagtatapon ng basura at tamang pamamahala ng dumpsite.
B. hindi pagtatapon ng mga electronic waste sa mga landfills at kagubatan
C. pagtatayo ng materials recovery facility para sa mga basurang recyclable.
D. Pagbuo ng aktibistang panggat na magsasagawa ng rally.

5. Ano ang uri ng hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa kapatagan?


A. Magsasaka B. Mangingisda C. Magtotroso D. Minero

6. Ang uri ng pamumuhay ng mga tao na naninirahan malapit sa mga katawan ng tubig
ay ang kabuhayang pang _______.
A. agrikultural B. industriyal C. pinansiyal D. pisikal

7. Ang sinaunang tao partikular na ang mga Asyano ay umaasa sa kapaligiran upang
mabuhay. Saan ang pinakaangkop na tirahan upang sila ay mabuhay?
A. Baybaying-dagat B. Kagubatan C. Lambak-ilog D. Talampas

8. Sino ang may pangunahing tungkulin sa pangangalaga ng kapaligiran?


A. Mamamayan A. Pamahalaan C. Samahan D. Tao

9. Ano ang kadalasan na hanapbuhay ng mga tao na naninirahan sa kagubatan?


B. Pagmimina B. Pagpapastol C. Pagtotroso D. Pagsasaka

10. Paano umangkop ang tao sa kanyang kapaligiran upang mapanitili ang magandang
ugnayan?

7
A. Sundin ang mga lagda ng simbahan C. Huwag abusuhin ang likas na yaman
B. Sumunod sa mga batas ng pamahalaan D. Makinig sa payo ng mga eksperto

11. Tumutukoy sa uri ng pamumuhay ng mga tao na ang katangiang pisikal na


tinitirahan ay mga baybaying-dagat?
B. Pangangalakal B. Pangingisda C. Paghahalaman D. Pagtatanim

12. Ang mga sumusunod ay kasama sa malawakng pagbabago ng buhay ng mga


Asyano MALIBAN sa __.
B. Pagbabago ng klima sanhi ng pagbabago ng vegetation cover
B. Pagputok ng mga bulkan at pagkaroon ng malalakas na bagyo.
C. Mga pagbabagong dulot ng mga pwersang tulad ng tsunami at lindol.
D. Mga makabuluhang imprastruktura at anyo ng pamumuhay na mayroon sila.

13. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga panganib na naranasan ng


kapaligirang damuhan?
A. Pagbaha B. Overgrazing
C. Polusyon ng lupa D. Pagkasunog ng mga damo

14. Alin sa sumusund na pahayag ang pinakawasto tungkol sa ugnayang ng tao at


kapiligiran?
A. Ang pagpapahalaga ng tao sa kalikasan.
B. Ang pakikibagay ng tao sa kanyang kapaligiran.
C. Ang patuloy na umaasa sa mga biyaya upang mabuhay.
D. Ang kasiyahan ang tao sa paraan ng kanyang pamumuhay.

15. Bakit may mga sakuna na nangyayari sa kasalukuyan dito sa ating bansa?
A. Kapabayaan ng pamahalaan C. Kasakiman ng tao
B. Pag-abuso sa kapaligiran D. Pagkamateryalismo

Karagdagang Gawain

Mahusay mong natapos ang mga gawain at pagtataya sa aralin na ito. Ngayon naman, simulan mong
gumawa ng isang collage o gumuhit ng larawan na may tema na “Ikaw at Ako sa Ating Komunidad”
na maaring magpapakita sa iyong mga kababayan hinggil sa masinop na pangangalaga ng inyong
kapaligiran. Basahin ang rubrics sa ibaba upang maging gabay mo sa paglikha.

Pamantayan 1 2 3
Pagkamalikhain Hindi naging malikhain sa Naging malikhain sa Lubusang nagpamalas ng
pagbuo ng collage/ larawan. pagbuo ng collage / pagiging malikhain sa
larawan. pagbuo ng collage o larawan.
Kaangkupan sa Hindi angkop ang Angkop ang ilang bahagi Lubusang napakaangkop
paksa nabuong collage nn nabuong collage ang nabuong collage
Presentasyon Hindi naging malinaw ang Naging malinaw ang Lubusang malinaw ang
intensiyon o detalyeng intensyion o detalyeng intensyion o detalyeng
ipinapahayag ipinapahayag ipinapahayag ng collage

8
Mensahe Hindi angkop ang Angkop ang mensaheng Lubusang angkop ang
mensaheng ipinahahatid ipinahahatid ng collage. mensaheng ipinahahatid ng
ng collage. collage.
Kalinisan at Di malinis at maayos ang Naging malinis at Lubusang napakalinis at
Kaayusan pagkakabuo ng collage. maayos ang pagkakabuo napakayos ang pagkakabuo
ng collage. ng collage.

Sanggunian

Mga Aklat
Blando, R. C., Sebastian, A. A., Espiritu, E. C., & Jamora, A. C. (2014). Asya:
Pgkakaiasa sa Gitna ng Pagkakaiba . Pasig City: Eduresources Publishing ,
Inc.
Mallari, J. D., & Virata, Jr., H. S. (2006). Panahon, Kasaysayan, At Lipunan.
Makati City: Diwa Scholastic Press Inc.
Mateo, G. C. (2008). Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan. Quezon City: Vibal
Publishing House.
Soriano, C. D., Antonio , E. D., & Dallo, E. M. (2006). Kayamanan : Kasaysayan ng
Asya. Sr.Sampaloc, Manila: Rex Book Store, Inc.

Website

https://m.youtube.com/watch?v=mRFQg1ES5og
https://m.youtube.com/watch?v=43bN_4DELns
https://www.scribd.com/doc/229719048/lesson-1-Ang-Ugnayan-ng-Tao-at-
Kapaligiran-sa-Paghubog-ng-Kabihasnang-Asyano
http://www.takepart.com/article/2016/02/08/salinas-tech-agriculture
https://www.alamy.com/stock-photo-fishing-beach-of-muie-ne-vietnam-southeast-
asia-17404410.html
https://steelguru.com/mining/uniform-5-royalty-on-mining-in-philippines-
pushed/536647
https://www.youtube.com/watch?v=WgkXXA8kx48
https://phys.org/news/2017-06-cow-herd-behavior-fodder-complex.html
https://en.m.wikipedia.org/wiki/Hunting
hhtp://www.depednegor.net (PDF)

You might also like