Fortress College Inc.
JHS LEARNING ACTIVITY SHEET
ASCO Compound, Kabankalan City, Negros Occidental
Name: _____________________________________________________ Subject: __________________________________ Grade / Score:
______________
Grade & Section: ____________________________________________ Teacher: __________________________________ Date: _____________________
Activity Title: Ang ibat-ibang Klima ng daigdig
Learning Target: Nasuri ang Klima ng daidig
References: 1G. C. Mateo, et al., Kabihasnang Daigdig Kasaysayan at Kultura, p.15; 2. Shabanie V. Labasan
Core Value/s: Responsiveness LAS 6 Q1
Ayon sa kasulukuyang ebidensyang pang-siyentipiko, ang ating daigdig lamang sa solar system
ang planetang nakapagpapanatili ng buhay. Ang malaking bahagi ng ating planeta ay may
mabuting atmospera at tamang sinag ng araw, init, at tubig upang matugunan ang
pangangailangan ng mga halaman o hayop sa balat ng lupa at sa karagatan.
Klima - ito ang kalagayan ng atmospera na tipikal sa mga malaking rehiyon o lugar sa matagal na
panahon.
Pangunahing sanhi sa pagkakaiba-iba ng mga klima sa daigdig ay ang natatanggap na sinag ng
araw ng isang lugar batay sa latitude at panahon, distansya mula sa karagatan, at taas mula
sea level o karagatan.
Ang lugar na malapit sa ekwador ang nakararanas ng katamtamang init na sinag ng araw at
ulan. Kabilang dito ang Pilipinas, Thailand, at Malaysia. Maraming likas na tahanang
nagtataglay ng ibat-ibang uri ng halaman at hayop na makikita sa mga lugar nito. Kasama dito
ang mga rainforest, coral reef at mangrove swamp.
Sa disyerto tulad ng makikita sa Saudi Arabia, Qatar at sa ibang lugar sa Tsina, kakaunti ang
maaaring mabuhay na mga halaman at hayop dahil madalang ang pag-ulan at sobrang init ng
panahon.
Sa America, Europa, Japan at Korea naman ay may apat na panahong minsan ay mainit at
minsan naman ay napakalamig at may niebe at yelo. (Autum,summer, winter, fall).
PAGSASANAY:
Bakit hindi pareho ang klima sa ibat-ibang bahagi ng daigdig? Ipaliwanag sa 2-5
pangungusap.
PROPERTY OF FORTRESS COLLEGE INC PREPARED BY: SHABANIE V. LABASAN, LPT